
Ginanap ngayon ang pag-iisang dibdib ni G. Norman at Bb. Ghie sa MOA Church. Ito ay sinundan ng pagsasalu-salo sa Coconut Palace. Ang gumanap na Best Man ay si G. Pinong samantalang sina G. Edwin at G. Mannix naman ay tumayong mga Abay.
Dumalo ang mga kaibigan, kapamilya at kapuso ng bagong mag-asawa. Kabilang dito ay si G. Ivee at Gng. Lei. Kasama rin ni G. Pinong ang kaniyang irog na si Bb. Jhe. Tulad ng inaasahan, si G. Ota ay nahuli at humahangos na dumating sa lugar ng kainan. Sayang at di siya napabilang sa opisyal na larawan kasama ang bagong mag-asawa.
Naging matagumpay ang Kasalan. Sina G. Norman at ngayon ay Gng. Ghie ay tutungo na sa Hawaii para sa pulot-gata. Si G. Pinong at Bb. Jhe ay pumalaot na rin. Samantalang naiwan pa sina G. Edwin, G. Mannix at sina G. Ivee at Gng. Lei at sinamantalang magkuhanan ng larawan sa naturang lugar.
Inyong tunghayan ang mga larawan sa ibaba na kuha sa mahalagang okasyong ito…
Ang naiwang tanong sa lahat, si G. Pinong naman kaya ay kailan?












Mabuhay ang bagong kasal!!!
Ha ha ha, ang pinakaaasam ngayon ay ang kapana-panabik na paghahayag ni G. Pinong sa di malaman kung nalalapit na ba(?) ang kaniyang kasal…..
congrats! natuloy din!
pakabait kayong lahat.
~C