Napagkasunduang mag-lunch ng tropa sa Market Market. Unang nakarating si Ivee, pagkatapos si Norman at si Pinong, na galing pa sa Makati. Si Mannix ay di nakasama dahil may kausap daw na isang madaldal na kliyente.
Dahil nasa tapat na sila ng Trellis nagkita-kita ay dun na rin napagpasiyahang magtanghalian. As usual, healthy foods ang inorder ng tatlo — crispy pata, bulalo at calamares. Si Norman nga pala ay naka-Bill Gates haircut at bumagay naman ito sa kaniya. Si Pinong naman nakasalamin at henyo ang dating. Si Ivee naman excited nang makakain ng crispy pata.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay dumating na rin ang inorder. Syempre pa galit-galit muna. Nang makasubo na eh usapan na naman ulit. Napag-usapan ang Dark Knight, si Larry Ellison, Iron Man, atbp. Sa gitna ng kwentuhan ay nabaling ang pansin kay Pinong. Eto ang bigla niyang kaniyang nawika,
Basta ‘wag kayong gagawa ng anuman sa Sept. 20!
Ano kaya ang mangyayari sa araw na iyon? Abangan!!!
Nang matapos ang lunch ay nagpaalam na ang tatlo sa isa’t isa at sa susunod naman ay sa Makati naman daw ang lunch sabi ni Pinong.















Bagay na bagay nga kay Norman yung gupit nya, at si Pinong lumulobo, ano kaya ang hiyang kay Pinong…? Sabaw ba ng bulalo yan tsaka tritsaron, ’sus, napapapitlag ‘tong puso ko ah… me sabaw kaya ng bulalo sa kasal ni Pinong…??
sana may crispy pata rin sa kasal ni pinong hehe