
Ang petsa, ika-22 ng Agosto, 2008. Ang tagpuan, sa La Mesa Grill, SM MOA. Ang oras, alas-otso ng gabi. Humahangos ang karamihan dahil sa tindi ng bagal ng trapiko. Naunang dumating sina Pinong, Jhe at Mannix. Sumunod ay sina Ivee at Lei. At mga ilang sandali pa ay sina Norman at Ghie naman. Si Ota, samantala, ay di na makakasunod dahil may ibang lakad. Si Marie naman ay baka humabol na lang daw sa kainan.
Pagkatapos mag-ikot-ikot ay nauwi sila sa La Mesa Grill. Masaya ang mood ng lahat sa La Mesa Grill. Maingay ang mga tao sa loob at labas ng kainan. May banda pa na humihirit at umiindak sa labas. Masarap ang inorder ng tropa. Puro “healthy foods”. Gutom na ang lahat kaya pagdating ng pagkain ay inupakan na agad ito.


Siyempre pa, masaya ang tawanan at kuwentuhan ng tropa. Si Mannix ay may dala pang mga larawang galing pa sa baul! Hehe… Eto yung mga panahong payatot pa ang karamihan. Di tulad ngayong naglalakihan na ang tiyan ng lahat
Ang mga larawan nga palang ito ay i-scan ni Ivee at balang araw ay ma-po-post din sa blog na ito.
Pagkatapos, ay namigay na ng imbitasyon sina Pinong at Jhe. Maganda ang imbitasyon. De kaledad ang ginamit na papel. Maganda ang haplos at kulay nito. Puwede pang suksukan ng perang papel. Ayos na ayos talaga!


Sa mga panahong ito ay di pa rin makontak si Marie. Sayang at namiss niya ang kasiyahan. Salamat din nga pala sa libreng hapunan, Pinong at Jhe!
Nagiging maingay na ang banda sa labas kaya’t napagpasyahan na ng tropa na lumipat ng lugar. Dun sa tahimik at kung saan sila naman ang puwedeng mag-ingay.
Sa The Coffee Bean & Tea Leaf nagpunta ang grupo. Sina Norman at Jhie naman ang nanlibre ng kape. Maraming salamat din sa inyo! Maingay na tawanan at kuwentuhan na naman ang naganap. Hanggang sa umabot na ng halos alas-dose.

Medyo napansin ng grupo na nilakasan na nung mga taga-Coffee Bean ang musika. Malamang ay senyales na ito na pinaaalis na sila. Gusto na yata nilang umuwi ngunit dahil nandun pa ang tropa ay di pa sila makauwi. Sa puntong ito ay nagpaalamanan na ang grupo at umuwi na sa kani-kanilang tahanan.
Kita kits na lang sa kasalan!












mga gwapings at gwapo, salamat sa pag-attend nyo!!!