Feeds:
Posts
Comments
leaving on a jet plane...

leaving on a jet plane...

Aming napag-alaman kamakailan na magbabalikbayan ang ating mga katotong sina Elena, Belay at Marie sa Disyembre.

Nawa’y maging ligtas ang inyong pagbabiyahe at lahat kaming nandito sa Pilipinas ay ina-asam-asam ang ating muling pagkikita.

Marie, Isa Nang Ina

Marie & Baby Aidan
Nagpadala si Marie ng larawan niya kasama ang bagong-silang na si Aidan. Congrats mula sa aming lahat!

Mga katoto, aking muling inilimbag ang kasaysayan ng CPU. Ito ay naungkat mula sa baol ng ala-ala, malamang na maluha sinumang babasa…

Kaya’t ‘wag nang mag-atubili. I-click kaagad itong nakasalungguhit sa ibaba o kaya nama’y ang “CPU” tab sa bandang itaas.

http://skratchcpu.wordpress.com/history-of-cpu/

Pakiusap:
O Mannix, ikaw naman ang maglagay
ng kasaysayan ng Skratch Co. tunay
sa kabilang tab ay iyong ihanay

bago ang memorya mo’y sumablay :D

Magandang araw sa lahat o aming mga katoto
Si Mannix ay naghalungkat sa baol ng mga nakatago
Tulaang ginawa noon, ngayon ay nakita na
Inihaharap ngayon dito, para sa inyong ligaya

Kaya’t inyong i-click ang nakasalangguhit sa ibaba
Nang masilayan yaring mga tula…

http://skratchcpu.wordpress.com/tulaan/

Dinner at Mojito Bay, SM MOA

Nagkita-kita sina Edwin, Mannix, Ivee at Lei sa MOA. Tinext nila si Pinong ngunit mukhang ito ay busy pa. Si Ota naman ay di na rin makakasabay. Sinagot ni Edwin ang masarap na hapunan sa Mojito Bay. Masaya ang kuwentuhan habang papalubog ang araw sa may Look ng Maynila. Nagkaroon pa ng fireworks.

Pagkatapos ay nagkayayaan nang magkape. Habang nagkakape ay nagkakatinginan ang ibang mga tao dahil sa ingay ng kuwentuhan ng magkakaibigan. Binalikan at tinawanan muli ang mga ala-ala ng kanilang kabataan habang nasa PLM pa. Nangawit ang panga ng lahat sa sobrang tawanan at ilang sandali pa ay nagpaalamanan na.

Maraming salamat ulit Edwin dahil sa iyong busilak na puso!!! Hanggang sa muling pagniniig…

The Big Day!
Ginanap ngayon ang pag-iisang dibdib ni G. Norman at Bb. Ghie sa MOA Church. Ito ay sinundan ng pagsasalu-salo sa Coconut Palace. Ang gumanap na Best Man ay si G. Pinong samantalang sina G. Edwin at G. Mannix naman ay tumayong mga Abay.

Dumalo ang mga kaibigan, kapamilya at kapuso ng bagong mag-asawa. Kabilang dito ay si G. Ivee at Gng. Lei. Kasama rin ni G. Pinong ang kaniyang irog na si Bb. Jhe. Tulad ng inaasahan, si G. Ota ay nahuli at humahangos na dumating sa lugar ng kainan. Sayang at di siya napabilang sa opisyal na larawan kasama ang bagong mag-asawa.

Naging matagumpay ang Kasalan. Sina G. Norman at ngayon ay Gng. Ghie ay tutungo na sa Hawaii para sa pulot-gata. Si G. Pinong at Bb. Jhe ay pumalaot na rin. Samantalang naiwan pa sina G. Edwin, G. Mannix at sina G. Ivee at Gng. Lei at sinamantalang magkuhanan ng larawan sa naturang lugar.

Inyong tunghayan ang mga larawan sa ibaba na kuha sa mahalagang okasyong ito…

Pinong & JheCouplesIvee & LeiWith the Newly-WedsWith the Newly-Weds AgainWith the Newly-Weds, Isang Hirit Pa!With Another CoupleDumating na rin si Ota sa wakas!Best Man PinongGroom’s Men, Best Man & FriendsOta on SpotlightNorman & Ghie with Ivee & LeiNorman & Ghie with EdwinOta & EdwinIvee & EdwinPagpirma ni OtaMeron din daw…… Nagpapicture dito, dati

Ang naiwang tanong sa lahat, si G. Pinong naman kaya ay kailan? :)

« Newer Posts